Nalibing na si dating Pangulong Corazon Cojuangco Aquino (1933-2009). Isang taon ding nakipaglaban sa sakit na kanser sa bituka si Gng. Aquino. Na-confine siya sa Makati Medical Center ng may isang buwan. Namatay siya noong July 31, 2009 sa ganap na 3:18 ng madaling araw.
Ibinurol noong una sa La Salle Gym sa Greenhills at noong nakaraang Lunes ay inilipat sa Manila Cathedral. Libo-libo ang pumila para masilayan sa huling pagkakataon ang dating pangulo. Dumagsa ang mga tao mula sa ibat ibang antas ng buhay sa burol ni Cory at nagpakita ng kanilang simpatiya at pagmamahal sa "housewife" na lumaban kay Marcos noong magpatawag ng snap election noong 1985.
Ang nangyaring burol at libing ni Cory ay maihahambing sa burol at libing ni Ninoy. Maraming tao ang nagkusang pumunta at nakiramay sa burol hanggang sa libing. Lumaganap ang dilaw na kulay bilang suporta at simpatya sa martir na si Ninoy, mahigpit na katunggali ni Marcos, na pinaslang matapos arestuhin pagkalapag ng kaniyang sinakyang eroplano .
Inilibing si Cory katabi ng nitso ng kanyang asawang si Senator Ninoy Aquino, matapos ang humigit kumulang 8 oras na paglalakbay mula Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila hanggang sa kanyang huling hantungan sa Manila Memorial Park sa Paranaque City.
Ang tanya ng mga awtoridad ay may 150 libong tao ang nag-abang sa ruta na dinaanan ng libing. Marami ang naghintay ng mahabang oras at di inalintan na mabasa ng ulan para masilayan sa huling pagkakataon ang dating pangulo ng Pilipinas na naging simbolo ng laban kay Marcos. At maging saksi sa isang makasaysayang pangyayari sa bansa.
Kung wawariin tila bumabalik na muli ang diwa ng people power, ang diwa ng EDSA Revolution.
Wednesday, August 5, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment